Blangko ang papel
naghihintay ng tugon sa mahal na panulat
tulad ng isang pusong tigang sa pagmamahal
naghihintay, naghihintay.
Panulat ay sumayaw
kinausap ang papel na nananabik
tulad ng isang pusong hanap ay isang pagsinta
nananabik, nananabik.
Ngunit, panulat lamang ay tumula
sa ibang iniibig siya ay lumuha
habang ang papel sa loob ay nagdurusa
lumuluha, lumuluha.
Tulad ng isang pusong sawi sa pag-ibig
naghihintay,
nananabik,
lumuluha.
naghihintay ng tugon sa mahal na panulat
tulad ng isang pusong tigang sa pagmamahal
naghihintay, naghihintay.
Panulat ay sumayaw
kinausap ang papel na nananabik
tulad ng isang pusong hanap ay isang pagsinta
nananabik, nananabik.
Ngunit, panulat lamang ay tumula
sa ibang iniibig siya ay lumuha
habang ang papel sa loob ay nagdurusa
lumuluha, lumuluha.
Tulad ng isang pusong sawi sa pag-ibig
naghihintay,
nananabik,
lumuluha.
No comments:
Post a Comment