Malamig ang dampi ng
hangin sa aking pisngi.
Musika ng iyong gitara
nanatili sa pandinig.
Hay, tila kaysarap humimbing,
habang sa iyong balikat
ako ay nakapaling.
Umaawit ang mga ibon
kasabay ng iyong gitara.
Tahimik ang ilog at ang
mga isda.
Mga daho'y wumawasiwas,
tila nakikisaliw,
Sa pagtipa ng iyong
musika para sa akin.
Kaygandang pagmasdan ang
malamlam na liwanag
Ng papalubog na araw,
tinatago ng mga ulap.
Siya rin kaya'y
nakikinig,
sa saliw ng musika ng
pag-ibig?
Musika ng gitara mo'y
kay sarap pakinggan.
Tila humahaplos sa puso
kong nagmamahal.
Hiling ko lamang, aking
giliw, sana ay pakinggan
Himig ng aking puso,
nais ay ikaw.
No comments:
Post a Comment