bilog ang buwan sa tanghaling tapat
dahilan ng hinagpis ay di mahagilap
abang damdamin tila naghahanap
atensyon mula sa pusong apuhap
matamlay na mata'y nais ang iyong ngiti
tamad na katawa'y gusto kang katabi
atensyon ang nais ng kunwari'y api
ng iyong kawalan sa maikling sandali.
banayad mong haplos sa puso'y umuukit
kahit na kamay ko lamang ang iyong kapit
anghel ka bang dinadala ako sa langit
tuwing nakakulong ako sa iyong bisig?
sintunado mong tinig ay kaysarap ding pakinggan
lalo't inaawit mong ako'y iyong mahal
isaliw pa natin ang puso nating tumitibok
na kumokoro sa bawat ritmo't tunog
lilipas ang araw at magdadapit-hapon rin
lalamlam ang paligid, lilitaw ang mga bituin
buwang ulila magkakaron rin ng kapiling
tulad kong nag-aabang ng iyong pagdating.

No comments:
Post a Comment