Mawawala.
Nawawala. Nawala.
Hindi mo magigising ang patay.
Hindi maglalakad mag-isa ang saklay.
Ang nalubog sa putik ay nilulumot.
Ang inanod na bra'y hindi na masusuot.
Habulin mo ang naglahong kaluluwa.
Yakapin mo't lamig lang ang madarama.
Magparamdam man ay pait ang ipakikita.
At kapag hinanap mo'y tila di ka maalala.
Malulunod din ang pighati.
Mamamanhid din ang pusong sawi.
Nakakapagod rin pala ang kalungkutan.
Kaya sige, wag na lang.
Nawawala. Nawala.
Hindi mo magigising ang patay.
Hindi maglalakad mag-isa ang saklay.
Ang nalubog sa putik ay nilulumot.
Ang inanod na bra'y hindi na masusuot.
Habulin mo ang naglahong kaluluwa.
Yakapin mo't lamig lang ang madarama.
Magparamdam man ay pait ang ipakikita.
At kapag hinanap mo'y tila di ka maalala.
Malulunod din ang pighati.
Mamamanhid din ang pusong sawi.
Nakakapagod rin pala ang kalungkutan.
Kaya sige, wag na lang.
sino b ang nawawala?
ReplyDelete