New Moon

Ikaw ang araw na nagtatago sa kadiliman ng gabi.
Inililihim ang tanglaw na nagbibigay sa akin ng ngiti.
Nasaan ka?
Ako'y nananaghili.

Pilit kang hinahanap ng aking paningin.
Pagkat liwanag ko'y sa iyo sumasandig.
Nakakalungkot.
Kailangan kita.

Malalim na ang gabi.
Wala ka.
Maglalaho rin ako, sinta.

No comments:

Post a Comment