online

Ipipikit ko ang aking mga mata
At pakikinggan ko ang iyong kanta
Kahit sintunado man ang tinig
Alam kong puno ito ng pag-ibig.

Isang araw na muli mo akong pinakilig
Sa pagsilay lamang sa iyong ngiti.
Sa simpleng pagtipa ng ilang salita
Rumurubdob ang aking pagsinta.

Kapag ikaw ang aking kausap
Laging nais na ika’y mayakap.
Nasa ko’y ikaw ay kapiling
Nang hindi hinahanap ang iyong paglalambing.

Ako na muna’y pipikit
Hihimbing  nang ikaw ang iniisip.
Sana ikaw ay nasa panaginip,
Sana’y kasama ka kahit na magising.

No comments:

Post a Comment