Sayaw

Sa paghawi ng liwanag,
dalawang anino ang
umiindayog,
nagkakaulayaw.

Isinisingaw ang init
sa pamamagitan ng init,
nagpupuyos,
sa ritmong magaslaw.

Malalim ang singhap
sa bawat pilantik
at haplos
ng mga daliring malalandi.

Bibilis ang ritmo't
hahabol ang hininga
magkakayakap
sa huling berso ng kanta.

At muli, maglalaro
ang musika't
sa saliw ay
iindak ang dalawa.

No comments:

Post a Comment